Turo-turo Carenderia and Bakery sa Banawe

Bihira na lang makakita ng turo-turo ngayon na masarap ang lasa.  Kaya nang ma-discover ko itong tindahang ito sa may kanto ng Banawe at Dapitan Street sa may Quezon City, sobrang tuwa ko na may bagong makakainan na naman na lutong bahay.

Sa unang kita, mapapansin mo na ang Movenpick ay isang ordinaryong bakery na maraming tindang tinapay.   Iba’t ibang tinapay ang meron sila – hopia, monggo bread, asado bread.  Pinakagusto ko yung raisin bread nila… parang yung nabibili sa Baguio Country Club.  Matutuwa ka dito dahil maraming klaseng bread silang tinda.  At.. nagse-sale sila!

Pero ang hinahanap-hanap ko kapag nasa Movenpick ako e kung ano ang lutong ulam. Mostly lutong bahay ang sine-serve nila dito.  Ang mga ulam ay nasa heated pan parang at covered nang salamin para walang dumadapo dapong mga di kanais nais na insekto sa paligid.  Medyo may kamahalan ang isang order.. around P200 pero malalaki ang serving.  Sa gabi nagbibigay sila ng discount sa mga ulam kaya mga ganitong oras (7:00pm onwards) ako pumupunta.

Last weekend, tin-ry ko itong afritadang manok at pata adobo.  Parang may kakaibang spin sa mga putaheng ito na hindi sya talaga kalasa ng usual na luto.

Basta isang lang masasabi ko… sobrang solb!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s